Vice tumangging magpa-selfie sa fans dahil sa COVID-19, nag-sorry

VICE GANDA

NAG-SORRY si Vice Ganda sa lahat ng fans na tinanggihan niyang makipag-selfie sa kanya bilang pag-iingat na rin sa gitna ng pagdami ng COVID-19 cases sa bansa.

Idinaan ng TV host-comedian sa Twitter ang paghingi niya ng paumanhin sa madlang pipol lalo na sa mga taong na hindi niya napagbibigyan ng selfie.

Tweet ni Vice, “Pasensya na po talaga sa mga di ko napagbibigyan ng selfie.

“Sana po talaga ay maunawaan ng lahat ang Social Distancing para sa ngayon.”

Nauna rito, nag-tweet din ang komedyante tungkol sa social distancing na isa sa mga paraan para makaiwas sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ani Vice,  “Social Distancing – Wag muna tayong magdikit dikit pls. Wala munang yakapan, besohan at magpiktyuran.

“Pasenya na. Paraan yan para makaiwas tayo pare pateho sa COVID-19.”

Read more...