Alden, Maine apektado sa kautusan ni Duterte kontra-COVID, pareho kasing Promdi

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

KAPWA apektado sina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa community quarantine o lockdown sa buong Metro Manila na inanunsyo ni Presidente Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi.

      Taga-Santa Rosa, Laguna si Alden habang sa Santa Maria, Bulacan naman umuuwi si Meng. Ang lamang lang nila sa mga ordinaryong tao ay sikat sila pero mukhang matindi rin ang magiging epekto sa kanila ng lumalalang krisis dahil sa COVID-19.

Kapag nakita ang mukha nila ng mga sundalo at pulis sa mga checkpoints around Metro and nearby provinces hindi na nila kailangang maglabas ng ID para patunayang nagtatrabaho sila sa GMA o sa Eat Bulaga.

Nasa Quezon City ang GMA, habang nasa Cainta naman ang APT Studios kung saan ginaganap ang Eat Bulaga.

Ang paniwala pa ng ilang kababayan natin, baka bigyan pa sila ng mga nagmamandong sundalo at pulis sa mga checkpoints ng VIP treatment, huh! 

Pero kung ayaw talagang maabala nina Alden at Maine sa isasagawang lockdown simula ngayong Linggo, puwede rin naman silang kumuha ng condo unit na malapit sa working place nila. Siguradong kayang-kaya naman nila yan kahit added gastos sa kanila.

Pero paano naman ang mga kababayan nating galing sa kalapit na probinsiya sa Metro Manila? Tiyak na pasakit at dusa sa mga checkpoints ang naghihintay sa kanila dahil tiyak na riyan mangyayari ang buhul-buhol na traffic!

Sa totoo lang, kahit sinasabing maliit lang ang entertainment industry, apektado rin ito sa lockdown lalo na ‘yung mga movie producer na makagawa man ng pelikula, walang katiyakan kung kailan ito maipalalabas.

At maipalabas man, pasukin kaya ng publiko eh, bawal na nga ang small gatherings kabilang na riyan ang panonood ng mga tao sa sinehan, huh!

Habang sinusulat namin ang artikulong ito ay inaayos pa ang mga guidelines kaugnay ng mga kautusan ni President Duterte para labanan ang COVID-19. 

Kaya asahan na ang dagdag pang kaguluhan once magsimula na ang pagpapatupad nito ngayong Linggo, Marso 15!

Read more...