PUMANAW na ang tatlo pang pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID 19), dahilan para umabot na sa lima ang mga namatay, ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ng DOH na kabilang sa mga namatay ay ang patient number (PH) 6, patient number (PH) 5 at patient number (PH) 37.
“PH6 was initially admitted at Cardinal Santos Medical Center on March 5, and was thereafter transferred to the Research Institute for Tropical Medicine. PH6 suddently experienced difficulty of breathing and was intubated late evening of March 11,” dagdag ng DOH.
Nasawi si PH6 sa kaparehong araw.
Pumanaw din si PH5, ang mister ni PH6, gabi ng Marso 11.
Samantala, na-admit sa Philippine Heart Center si PH37 noong Marso 6 matapos makaranas ng sintomas noong Pebrero 28. Nakumpirma siyang positibo ng COVID-19 nitong Marso 11 at nasawi dahil sa acute respiratory failure.