Carla dumaan sa tamang proseso ng pag-aampon sa aso

CARLA ABELLANA

Umiral na naman ang malasakit sa mga hayop ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

Sa recent vlog ng dalaga na may title na “I Adopted”, ibinahagi niya ang prosesong pinagdaanan sa pag-ampon ng dalawang Aspin o asong Pinoy sa isang shelter sa Quezon City.

Makikita sa video ng aktres na sa una ay nangingilala pa ang dalawang Aspin na sina Fly at Wing dahil parang nahihiya pa ang mga ito kay Carla.

Pero mukhang madali namang napalagay ang loob ng dalawang aso kay Carla pati na sa boyfriend niyang si Tom Rodriguez nang dalhin na nila ito sa kanilang tahanan.

“God bless your good heart, Carla! You are truly an advocate of taking care of dogs, You and Heart Evangelista are our amabassador.

“Mabuhay tayong mga dog lover! #AdoptDontShop,” comment ng isang netizen.

Samantala, gustung-gusto naman ng televiewers ang pagiging palaban ng character ni Carla sa veteran actress na si Coney Reyes sa top rating Kapuso series na Love of My Life.

Hanga sila sa akting ni Carla bilang babaeng may paninindigan na handang lumaban para sa kanyang karapatan pero hindi lumalabas na nambabastos ng nakatatanda sa kanya.

Makatotohanan daw kasi ang mga confrontation scenes nina Coney at Carla, pati na ng isa pa nilang co-star sa serye na si Rhian Ramos. Hindi raw sila mga OA na akala mo laging magpapatayan sa sobrang galit sa isa’t isa.

Samantala, panibagong kalbaryo na naman ang haharapin ni Carla sa kuwento dahil wala na ang character ng asawa niyang si Stefano na ginampanan ng kanyang boyfriend na si Tom Rodriguez.

Mas lalo pang ginaganahan ngayon ang buong production ng Love of My Life lalo na ang cast members dahil consistent winner sila sa ratings game.

Mula simula hanggang ngayon ay patuloy nilang inuupakan ang kalabang programa.

Read more...