Sapatos ni Maine naka-display sa Int’l Women’s Day Exhibit sa sikat na mall

MAINE MENDOZA

NAKA-DISPLAY ang stiletto shoes ni Maine Mendoza sa Newport Mall Resorts World Manila bilang bahagi ng selebrasyon ng International Women’s Day.

Layunin ng hotel na i-exhibit ang mga sapatos at ang istorya sa likod nito mula sa PowHERfull Filipina women at isa nga si Maine Mendoza sa mga napili nilang celebrity na maging bahagi ng selebrasyon.

Take note, may sariling lalagyan ang sapatos ni Meng at hindi ito nakahalo sa ibang sapatos, huh! Ibig sabihin, talagang kinikilala na ngayon ang mga achievements ng Dubsmash Queen sa buong bansa.

Deserving naman si Maine na mabigyan ng ganyang pagkilala dahil kahit ilang taon pa lang siya sa entertainment industry ay napakarami na niyang napatunayan.

Ang exhibit ay nasa second floor ng The Plaza at kung hindi kami nagkakamali hanggang kahapon lang bukas sa publiko ang nasabing exhibit.

 

Read more...