Target ni Tulfo ni Mon Tulfo
NAPATAY ng mga Marines noong Linggo ang Abu Sayyaf lider na si Albader Parad sa engkuwentro sa Sulu.
Si Parad ay may $5 million gantimpala na patong sa kanyang ulo na galing sa US government at P7 million naman sa Philippine government.
Napakawalanghiya nitong si Parad dahil pati tatlong international Red Cross workers ay kinidnap at pati ang broadcaster na si Ces Drilon at kanyang dalawang ABS-CBN television crew ay di pinaligtas.
Tama lang na siya’y namahinga na upang wala na siyang maperwisyong tao.
* * *
Mayamang-mayaman na ang tao na nagbigay ng tip sa awtoridad kung saan nagtatago si Parad.
Biruin n’yo P225 million (at the exchange rate of P45 to $1) na ibibigay ng US government at P7 million naman galing sa Philippine government: Total P232 million!
Aba, talo pa niya ang nanalo sa lotto!
* * *
Hangga’t may gantimpala sa mga ulo ng mga lider ng Abu Sayyaf di titigil ang pagsuplong sa kanila ng kapwa nila Muslim.
Between their fierce loyalty sa kapwa nila Muslim at malaking gantimpala na ibinibigay sa ulo ng mga lider ng Abu Sayyaf, siyempre pipiliin ang gantimpala.
Sinong hindi gusto ng malaking halaga?
Kung ibig ng gobyerno na mahuli ang iba pang lider ng Abu Sayyaf, kailangang ikalat ang poster ng kanilang mga retrato at pangalan at ang mga pabuya para sa kanilang mga ulo.
Madaling gawin ito. Ikalat ang daan-daang libong posters sa hinterlands ng Sulu at Basilan.
Ang maghuhulog ng mga posters ay helicopter at eroplano.
Tingnan natin kung hindi mabilis pa sa alas kuwatro na mahuli ang ibang mga lider ng Abu Sayyaf.
They will always be on the run dahil matatakot silang isuplong ang kanilang mga pinagtataguan ng kapwa nila Muslim.
Hindi kasi alam ng mga Muslim na naninirahan sa bundok, kung saan nagtatago ang mga Abu Sayyaf, na may gantimpala na naghihintay sa sinuman na makapagtuturo kung saan sila nagtatago.
Kapag nalaman ng mga Muslim sa bundok ng Basilan at Sulu ang tungkol sa reward, hindi tatagal at mahuhuli na rin ang ibang mga lider ng Abu Sayyaf.
BANDERA, 022310
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.