PlNASASAMPOLAN ng isang lider ng Kamara de Representantes ang mga hoarder ng alkohol at iba pang produkto na lalo lamang magpapasama sa kalagayan ng bansa ngayong kumakalat na ang coronavirus disease.
Ayon kay House committee on trade and industry chairman at Valenzuela Rep. Wes Gatchalian sa ilalim ng Price Act ang mga hoarder ay maaaring makulong ng lima hanggang 15 taon, at multang P5,000 hanggang P2 milyon.
“I have received reports that some basic goods in major supermarkets, like alcohol, masks, instant noodles, and canned goods are out of stock for a period of time now. This, despite reports from manufacturers that the supply of goods is enough to meet the increased demand caused by the public health crisis faced by the country, raising concerns of hoarding,” ani Gatchalian.
Sinabi ni Gatchalian na hindi lamang ang sarili ang dapat na intindihin kundi maging ang kapakanan ng iba, marami sa kanila ay sapat lamang ang panggastos sa pang-araw-araw na pangangailangan.
“Let us not purchase more than what we need in order to afford others who have the same need as you and I. Our collective effort is needed if we are to survive this crisis as one nation,” dagdag pa ng solon.
Sa ilalim ng Price Act (RA 7581) ay ipinagbabawal ang labis na pag-iimbak ng mga basic commodity upang pataasin ang presyo nito.