ARESTADO ang isang lalaki nang makuhaan ng aabot sa P61.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Quezon City, Miyerkules ng hapon.
Nadakip si Mark Anthony Carlos, alyas “Ton-Ton,” 28, residente ng San Miguel, Bulacan, ayon kay Brig. Gen. Romeo Caramat, direktor ng PNP Drug Enforcement Group (DEG).
Isinagawa ng mga tauhan ng DEG at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon sa isang fastfood outlet sa panulukan ng West 4th ave. at Quezon ave., dakong alas-4:20.
Nakuhaan si Carlos ng aabot sa 9 kilo ng umano’y shabu, na nakasilid sa siyam na pakete ng Guanyinwang Chinese Tea, ani Caramat.
Nasa kostudiya na ng DEG ang suspek para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law.
MOST READ
LATEST STORIES