PAG-uusapan ngayong Huwebes ng inter-agency group na humahawak sa krisis dulot ng coronavirus kung kailangan i-extend ang suspensyon ng klase ng isa pang linggo at irekomenda ang special work arrangement, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.
“Ngayon nga magko-convene ng inter-agency task force para pag-usapan dahil una ginawa natin, nagsuspinde tayo ng klase sa NCR, ngayon pag-uusapan kung itutuloy pa ba ito another week,” ani Duque na siyang nangunguna sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa panayam ng Radyo Inquirer.
Aalamin din ng task force ang posibilidad na mag-implement ng work-from-home arrangement para hindi na kumalat pa ang COVID-19.
“Pag-uusapan din yung work stoppage to resort to a special working arrangement, yung work-from-home,” ani Duque.
Kasalukuyan ay nasa 49 ang nagpositibo sa COVID-19, dalawa rito ang namatay.