Osang sa nagbebenta ng N-95 mask: Mauna sana kayong dapuan ng virus!

ROSANNA ROCES

GALIT na galit ang aktres na si Rosanna Roces dahil sa mga mapagsamantalang negosyante na nagbebenta ng N-95 face mask.

Personal na naranasan ng dating sexy actress ang pananamantala ng ilang Filipino habang nasa public health emergency ang bansa dahil nga sa paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19.

Sa kanyang Facebook account, ipinost kanina si Rosanna (gamit ang real name niyang Jennifer Cruz Adriano) ang screenshot ng message sa kanya ng isang nagbebenta ng N-95 face mask.

Sabi ng tagabenta, “Sino po gusto magpasabay? Limited lang po kinukuha ko.

“Per box po ang kuha kasi sealed po yung plastic niya sa loob ng box.

“Per box contains 20 pcs.”

Ito naman ang caption ni Osang sa litrato ng binebentang N-95 face mask, “5k per Box?? 250 isa..Mauna sana kayo Dapuan ng Virus na yan mga Opportunista!!!”

Bukod dito, ipinost din ng aktres ang screenshot ng naging usapan nila ng seller na nagsabing kaya raw mahal ang kanilang N-95 masks ay dahil may valve na ito at kaunti na lang ang supply.

Hirit ni Osang sa kanyang kausap, “Kalokohan yan baka mauna ka pa dapuan ng virus day. Wag kayo mapagsamantala nakakasuka kayo.”

Dagdag pa niya, “Ang Karma pa naman ngayon singbilis din ng pagkalat ng virus.”

Read more...