Sinag Maynila 2020 kanselado na rin dahil sa COVID-19

ALLEN DIZON AT LOVI POE

NAPURNADA ang special screening ng pelikulang “Latay” nina Lovi Poe at Allen Dizon bilang entry sa full length movies category ng Sinag Maynila 2020 Independent Film Festival.

Sa March 17 (hanggang 24) ang simula ng indie filmfest pero dahil sa kumpirmadong coronavirus disease cases sa bansa, nagdesisyon ang organizers nito na ipagpaliban muna ang event.

Bukod sa full length films, short films at documentaries, kasama sana sa mapapanood ang documentary film tungkol kay Imelda Marcos titled “The Kingmaker.” Pero sa March 24, magkakaroon ito ng public screening sa selected cinemas sa Metro Manila.

Wala pang inihayag ang namamahala ng Sinag Maynila kung kailan ito gaganapin.

Read more...