Yamyam Gucong bibida sa digital show na ‘Tipid Nation’

PAGIGING wais sa pera at paggastos nang hindi nabubutas ang bulsa ang ituturo ni Yamyam Gucong sa bagong digital show na “Tipid Nation” na mapapanood sa ABS-CBN YouTube channel.

Samahan ang “Resident Diskar-Tito” sa pagpapakita niya ng mga paraan ng pagtitipid para sa mas masaya at maluwag na pamumuhay.

Tatalakayin sa digital show ang iba’t-ibang diskarte sa pagtitipid sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, bahay, transportasyon, finance, telecomm, at kalusugan.

Sa unang episode nito, matutunghayan sa “Ukay is Key” na maaaari pa ring makapagdamit ng presentable sa murang halaga.

Read more...