Wedding nina Matteo at Sarah sa Italy matuloy kaya kahit may COVID-19?


HINDI pala totoo ang naunang balita na magkakaroon ng church wedding sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa Italy ngayong buwan.

Bago maganap ang secret Christian wedding nina Matteo at Sarah noong Feb. 20 may mga lumabas na chika na may mangyayari ring “strictly invitational” na kasalan sa Italy ngayong Marso.

At ngayong naka-lockdown na ang Italy dahil sa coronavirus disease 2019 (COViD-19), may mga Popsters na nagtatanong kung matutuloy pa ba ang Italy wedding ng AshMatt.

Pero mariin ngang pinabulaanan ni Matteo ang chika na magpapakasal sila ng kanyang asawa sa Italy. Ito’y base na rin sa panayam ng ABS-CBN News sa aktor matapos ang pormal na pagkilala ng National Youth Commission kay Matteo bilang youth ambassador.

Sinabi ng mister ni Sarah na isa ring Philippine Army reservist, wala silang planong mag-asawa na magpakasal sa Italy, kahit bago pa man pumutok ang COViD-19.

Read more...