Netizens sa DOTS: Grabe, kidney problem aabutin namin!


HALOS hindi makahinga at mapakali sa kaba ang mga tagasubaybay ng pinag-uusapang Pinoy adaptation ng hit Korean drama series na Descendants of the Sun.

Super intense at kaabang-abang na kasi ang mga eksena nitong nagdaang Lunes at Martes kung saan sumugod ang Alpha Team na pinamumunuan ni Capt. Lucas (Dingdong Dantes) kasama sina Diego (Rocco Nacino), Moira (Jasmine Curtis-Smith), Alen (Lucho Ayala), Benjo (Jon Lucas), at Randy (Prince Clemente) sa kuta ng mga PRG.

Ito’y upang iligtas nga ang nakidnap na medical team nina Dr. Maxine (Jennylyn Mercado), Ralph (Andre Paras), Earl (Renz Fernandez) kasama ang kapwa Alpha team nila na si Marty (Paul Salas).

Dahil sa makapigil-hiningang rescue operation na ginawa ng Alpha team, komento ng netizen na si Neil, “Uy the best ‘to! Buong episode kinakabahan ako grabe!”

Biro naman ng viewer na si Ann Blyth, “Kidney problem aabutin ko hehe, ‘di ako makabanyo dahil ang ganda ng mga action scenes ng #DOTSPH. Buti na lang na-rescue na sina Doc Maxine! Pero nakatakas naman si Bullet!”.

Patuloy na subaybayan ang pakikipagbakbakan nina Captain Lucas kasama sina Dr. Maxine at iba pa niyang kasama sa laging trending at hataw sa rating na Descendants of the Sun pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Read more...