Buong pamilya ni Matteo sa Italy nasa Pinas na lahat

NANG mag-tweet si TV Patrol reporter MJ Felipe tungkol sa paglilinaw ni Matteo Guidicelli tungkol sa napabalitang pagpapakasal umano nila ni Sarah Geronimo sa Italy, tinext namin siya kung kanino nanggaling ang kuwento.

Tweet ni MJ, “With the development that some areas in Italy have been locked down, I asked Matteo if plans for a wedding in Italy would still push thru. He clarified that there were no plans of a wedding in Italy to begin with. Even before the issue of the CoViD-19.”

Sagot niya sa aming text, naglabasan ang church wedding sa Italy ng bagong kasal noong mabuking ang Christian wedding nila at napag-usapan din ng mga netizens sa social media.

Ayon sa aming source, wala naman talagang kasalang magaganap sa Italy dahil nandito na ang buong pamilya ng aktor sa Pilipinas at dito na sila naka-base kasama pa ang lolo niya noong nabubuhay pa. Ang naiwang alaala na lang ang binabalikan ng aktor sa Italy, ang lugar kung saan siya lumaki at nag-aral.

Ayon sa aming source, “Natatawa nga sina Matteo at Sarah sa lumabas na church wedding, dinedma na lang nila.” Sundot na tanong namin baka naman meron talagang plano dahil may mga inayos na papeles at iba pang bagay na gagamitin ng entourage.

“Para dito ‘yung mga ‘yun, kaso hindi nga nagkasundo, kaya waley na,” sabi ng aming source.

Read more...