Maine, Arjo nagpakaligaya sa Palawan

MAINE MENDOZA AT ARJO ATAYDE

CONFIRMED! Magkasama sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa El Nido, Palawan nitong nakaraang weekend.

Birthday vacation ito ni Meng kaya wala muna siya sa Eat Bulaga, at hindi nga siya nag-iisa sa pag-eejoy sa El Nido dahil kasama niyang nagpapakaligaya roon ang boyfriend na si Arjo.

Si Maine mismo ang nag-post sa kanyang Instagram account at IG stories ng mga litrato nila ni Arjo, though sa mga pictures na ipinost niya ay walang mukha ang boyfriend. Pero aninag naman ang itsura ng aktor.

As expected, may mga natuwa sa bonding moments ng dalawa pero meron ding nangnega at nagsabing hindi rin daw magtatagal ang relasyon ng ArMaine at maghihiway din dahil posibleng magkasawaan daw agad ang mga ito.

May ilang malilisyoso naman ang utak na siguradong may nangyari na raw sa dalawa dahil palagi silang out of town or out of the country. Talbog pa raw nila ang mga bagong kasal na nagha-honeymoon.

Well, hindi na bata si Maine at may sarili na siyang pag-iisip – alam na niya ang tama at mali, huh!

Ang mahalaga, nakapagbibigay naman siya ng kaligayahan sa kanyang fans and supporters kaya ibalato na lang nila sa Phenomenal Star ang personal niyang kaligayahan.

 

Read more...