Alden sa fans: Salamat sa pagmamahal na walang kapalit

ALDEN RICHARDS

Nagpasalamat ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa lahat ng fans na walang sawang sumusuporta sa kanya mula nang magsimula siya sa showbiz 10 years ago.

Sa Twitter, nag-post ang Kapuso actor ng maikli ngunit madamdaming mensahe para sa mga taong patuloy na nagmamahal sa kanya nang walang kapalit.

“Gusto kong magpasalamat sa mga fans at supporters na walang sawang nagbibigay ng suporta at pagmamahal sa aming mga artista na walang hinihinging kapalit. Maraming maraming salamat sa inyo.”

Ngayong 2020, nagse-celebrate ang binata ng kanyang 10th anniversary sa showbiz. Sa loob ng 10 taon pinatunayan ni Alden na hindi lang puro pagpapabebe ang kanyang alam gawin. Talagang humataw ang kanyang career sa TV, pelikula, music pati na rin sa mga endorsements.

Read more...