1-week lockdown sa NCR isinulong sa harap ng banta ng COVID-19 | Bandera

1-week lockdown sa NCR isinulong sa harap ng banta ng COVID-19

Leifbilly Begas - March 09, 2020 - 06:15 PM

IPINANUKALA ng isang solon ang isang linggo lockdown ng Metro Manila upang malimitahan umano ang pagkalat ng coronavirus disease-2019.

Ayon kay House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda na ang unang dapat na gawin ay suspendihin ang klase hindi lamang sa National Capital Region kundi sa buong bansa.

“A lockdown of NCR should be not be off the table if needed to slow down transmission of COVID-19,” ani Salceda.

Bukod sa klase sa NCR, sinabi ni Salceda na dapat magpatupad ng isang linggong tigil trabaho. Hindi rin dapat bumiyahe ang mga bus, eruplano at railway system. Ipinasasara rin niya ang South Luzon at North Luzon Expressway.

Dapat umano ay magkaroon ng entry ban sa NCR at ang mga payagan lamang makapasok ay ang mga maghahatid ng pagkain, gamot at health professionals.

“DOH (Department of Health) should think ‘precautionary.’ Our escalation of measures is based on rising cases, instead of preventing them in the first place,” dagdag pa ng solon.

Punto ni Salceda mas malaki ang mawawalang kita sa NCR kung kakalat ang sakit kesa sa isang linggong lockdown.

Sinabi naman ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. na makapal ang populasyon sa Metro Manila kaya malaki ang tyansa na ito ay mabilis na kumalat.

“At this point, all options should be on the table given that the NCR is the most densely populated area in the country,” ani Abante. “Whatever precautions we take, while guarding the health of the public, should not result in the paralysis of the country.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending