IPINAAARESTO ng Sandiganbayan Fourth Division si dating Presidential Commission on Good Government chairman Camilo Sabio matapos maging final and executory ang desisyon sa kasong graft nito.
“Let a warrant of arrest be issued against the said accused, and the post-promulgation bond he posted be cancelled,” saad ng apat na pahinang desisyon ng korte.
Ibinasura ng korte ang Motion for Reconsideration na isinumite ni Sabio ng lagpas sa itinakdang araw.
“The motion for reconsideration dated 21 December 2019 of accused Camilo Loyola Sabio is hereby denied. Accordingly, the failure of the accused to file his motion for reconsideration within the prescribed period renders the judgment of conviction…. Final and executory.”
Si Sabio ay hinatulan umano noong Nobyembre 29 at ang rule ay maaaring maghain ng MR sa loob ng 15 araw. Tumapat ito ng Sabado kaya ang susunod na Lunes ang magiging deadline o Disyembre 16. Pero naghain umano si Sabio ng MR noong Disyembre 23.
Si Sabio ay hinatulan ng anim na taong pagkakakulong kaugnay ng pagtatangka umanong impluwensyahan ang kanyang kapatid na si Court of Appeals Associate Justice Jose Sabio kaugnay ng kasong isinampa ng Meralco sa GSIS.
Si Chairman Sabio ay kinausap umano ni Atty. Jesus Santos, miyembro ng Board of Trustees ng GSIS, upang kausapin ang kanyang kapatid noong Mayo 2008.
Inamin ni Chairman Sabio na kinausap ang kanyang kapatid upang ipaliwanag ang posisyon ng GSIS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.