Relasyon ni ‘Parokya’ lead singer, GF posibleng masira

MAAARING masira ang relasyon nina Parokya Ni Edgar vocalist Chito Miranda at aktres na si Neri Naig dahil sa pagkalat ng kanilang sex video.

Ito ang paniniwala ng ilang eksperto tungkol sa iskandalong kinasasangkutan ng magkarelasyon.

Ayon sa isang psychiatrist na nainterbyu ng The Buzz noong Linggo, ang dating tahimik at pribadong buhay nina Chito at Neri ay naging maingay na dahil sa nasabing video scandal at posibleng tuluyang mawasak kung magpapabaya ang dalawa.

Pero sinabi rin ng nasabing psychiatrist, “Ang pag-amin naman ay isang bagay na nakakalambot ng puso ng tao at sana  pagkatapos nito ay manumbalik ang tiwala ng tao.”

“Traumatic talaga na ‘yung madlang people ay makikita na kayo ay may ginagawa na ganitong sex video. Pwede ring maapektuhan ang kanilang relasyon. Siyempre, sino ba ‘yung nagpalabas? There would be some blaming each other na issues,” dagdag pa nito.

Patuloy niyang pagpapaliwanag, “Minsan kasi ang mga reasons nila for doing that eh una, parang gusto nilang maremember kung ano ang ginawa nilang something na special for both of them.  And can give them more pleasure.”

Read more...