NAGHAIN ng resolusyon ang House minority bloc upang maimbestigahan ang P10 bilyong pork barrel scam na kinasasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.
Ngayong Martes ay inihain ng minorya ang House Resolution 160 upang makapag-imbestiga ang House committee on Good government and public accountability.
“Whereas, the magnitude and the destructive effects of the PDAF scam must not be swept into oblivion, as the issue is destroying the trust that Members of the Philippine Congress should enjoy from the people they represent,” saad ng resolusyon na inakda ng 19 na mambabatas sa pangunguna ni House minority leader Ronaldo Zamora.
Sakabila nito, tutol naman si House Speaker Feliciano Belmonte sa nais ng minorya.
Anya, mas makabubuti na hayaan munang tapusin ng National Bureau of Investigation ang isinasagawa nitong imbestigasyon sa anomalya.
“We should allow NBI to finish their investigation. Without interference from us,” ayon kay Belmonte.
Ayon naman kay House majority leader Neptali Gonzales II hindi maganda ang pagiimbestiga ng Kamara sa isyu.
Kapag hindi umano nila pina-imbestigahan ay sinasabi na mayroon silang pinoproteksyunan, pero kung mag-imbestiga at hindi ang gusto ng mga kritiko ang magiging resulta, sasabihin ay mayroong whitewash sa imbestigasyon.
“We will be in a damn if you do, damn if you don’t situation. If we don’t probe it, it would appear that we are hiding something. If we probe it and the results are not acceptable to the people, then they will say there’s whitewash,” ani Gonzales.
“There is COA releasing the report and the Ombudsman who is tasked to take action. We should let them do their jobs and constitutional duties.”
MOST READ
LATEST STORIES