Isko sinuspinde ang klase sa Maynila mula Marso 9-15 sa harap ng banta ng coronavirus

IPINAG-UTOS ni Manila City Mayor Isko Moreno ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas mula Marso 9 hanggang Marso 15 matapos namang umakyat na sa 20 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Inihayag ni Moreno ang desisyon sa pamamagitan ng Facebook live mula sa London.

“To be clear po: Sakop po ang AFTERNOON and EVENING classes sa class suspension sa Maynila ngayong araw, March 9. All levels, public and private schools,” sabi ni Moreno sa isang tweet.

Read more...