KINUMPIRMA ni Pasig City Mayor Vico Sotto na isa sa 10 kaso ng the coronavirus disease (COVID-19) sa bansa ay isang residente ng lungsod.
“As announced by the DOH, there is a COVID-19 patient (not a Pasig resident) currently confined in Medical City-Pasig. There is also a COVID-19 patient who is a Pasig resident, but is currently confined in a private hospital outside of Pasig,” sabi ni Sotto sa isang Facebook.
Ang dalawa pasyente ay kabilang sa apat na pinakabagong kaso ng COVID-19 na naunang inihayag ng Department of Health (DOH) Linggo ng gabi.
Ang tinutukoy ni Sotto ay ang pangwalong kaso ng COVID-19, ang 32-anyos na residente ng Pasig City na nagbiyahe kamakailan sa Japan.
Naka-confine ang pasyente sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City.
Bukod dito, naka-ospital sa The Medical City sa Ortigas, Pasig ang isang 86-anyos na Amerikano na siyang pansiyam na kaso ng COVID-19.
Residente ang lalaki ng Marikina City na kinumpirma naman ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro.
Tiniyak ni Sotto na ginagawa ang lahat ng lokal na pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.