Dating miyembro ng Goin’ Bulilit ikinasal na

IKINASAL na ang dating child actor na si Carl John Barrameda sa kanyang fiancée na si Nikolai Cimatu, pareho silang 26 years old.

Naganap ang wedding ng bagong-kasal sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City nitong nagdaang Sabado.

Si Carl ang kauna-unahang miyembro ng first batch ng Goin’ Bulilit na ikinasal, base na rin sa post ng kanyang kaibigang aktres at dati ring child star na si Miles Ocampo.

Kung matatandaan, ang Goin’ Bulilit na nagsimulang umere sa ABS-CBN noong 2005 at natapos last year, ibig sabihin halos 14 years napanood ang kiddie gag show sa Kapamilya network.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Miles ang litrato nina Carl at Nik na kuha sa reception ng wedding. Caption ng young actress,  “1st Bulilit to get married!! Congratulations Nik and kuya @carlbarrameda!! We love you. #SwerteNikCarl.”

Mensahe naman ng isa pang member ng Goin’ Bulilit na si John Manalo sa kanyang IG, “Kakasal ka na dodong.”

Ang iba pang kaibigan at ka-batch ni Carl sa GB dumalo sa kasal ay sina Igiboy Flores, CJ Navato at Alfred Alain.

Kung matatandaan, nag-propose si Carl kay Nikolai noong Feb. 19, 2019 habang nagbabakasyon sila sa Hong Kong. Pitong taon tumagal ang  kanilang relasyon bago nagdesisyong magpakasal.

Read more...