NAKAKAINGGIT ang mga tao na nakakatulog ng hanggang pitong oras. At ang mas nakakainggit pa rito, may magandang benepisyo ito sa kanilang kalusugan.
1. Proteksyon sa puso
Ang kakulangan ng tulog ay iniuugnay sa pagtaas ng blood pressure at cholesterol level.
Mas maganda ang kondisyon ng puso kung ang isa tao ay mayroong pito hanggang siyam na oras na tulog kada gabi.
2. Panlaban sa kanser
Alam nyo ba na ang mga tao na gabi kung magtrabaho ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng breast at colon cancer?
Sa pag-aaral ng mga siyentipiko, kapag madilim natutulog ang isang tao ay nakagagawa ang katawan nito ng melatonin—ito ang hormone na nagre-regulate sa sleep-wake cycle at pinaniniwalaan na pinipigilan nito ang paglaki ng tumor.
Kaya bago matulog makabubuti kung madilim at malayo ang mga gadget na lumilikha ng liwanag para makagawa ng sapat na melatonin ang katawan.
3. Stress reliever
Kapag kulang ang tulog, ang katawan ay pagod. Kapag kulang ang tulog naka-high alert ang katawan na magpapataas ng blood pressure at dumarami ang stress hormones.
Ang pagtaas ng blood pressure ay nagpapataas ng tyansa na magkaroon ng heart attack at stroke ang isang tao.
Ang pagtaas ng stress hormone ay nagpapahirap din sa isang tao para makatulog.
4. Iwas sa pamamaga
Ang pagtaas ng stress dahil sa kawalan ng tulog ay nagpapataas din ng lebel ng inflammation o pamamaga ng katawan.
Ang pamamaga ay isa sa dahilan ng mas mabilis na pagtanda ng katawan.
5. Mas nagiging alerto
Kapag kumpleto ang tulog mas energized ang katawan. Kumbaga sa cellphone na-full charged.
At kapag full charged ang isang tao mas nagagawa nito nang tama ang kanyang mga gagawin.
6. Nakagaganda ng memorya
May mga pag-aaral na nagsasabi na ang pagtulog ay nakagaganda ng memorya. Kapag natutulog, ang katawan ay nakapagpapahinga pero hindi ibig sabihin ay nakapatay ang utak mo. Kapa kumpleto ang tulog may mas oras ang utak na matandaan ang mga nangyari.
7. Nakabababa ng timbang
Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang mga tao na kulang ang tulog sa gabi ay madalas overweight o obese.
Ito ay dahil nahihirapan umano ang katawan na ibalanse ang hormone na nakakaapekto sa pagkain ng isang tao.
Ang hormone na ghrelin at leptin, na siyang nagre-regulate ng appetite, ay nasisira umano kapag tulog nang tulog ang isang tao.
8. Refresh
Ang pag-idlip sa araw ay nakatutulong din para ma-refresh ang isang tao. Maaari itong ipalit sa pag-inom ng kape at mas mainam sa katawan.
9. Kontra depresyon
Nakakaapekto ang pagtulog sa paggawa ng kemikal ng katawan at kasama na dito ang serotonin.
Ang mga taong kulang ang serotonin ay madalas na mayroong depression. Makatutulong ng malaki na makaiwas sa depression ang isang tao kung pito hanggang siyam na oras itong natutulog kapag gabi.
10. Repair
Sa katagalan ay nasisira ang katawan at mas mabilis ang pagkasira nito kapag kulang ang tulog.
Habang natutulog, nagre-repair ang katawan mula sa pinaslang tinamo nito mula sa stress, ultraviolet rays, at iba pang harmful exposure.
Kapag natutulog, lumilikha ang katawan ng maraming protein na siyang ginagamit nito sa pag-repaid ng mga nasirang cell ng katawan.