Jeric Gonzales malalim ang hugot sa ‘Line To Heaven’


BUKOD sa pag-arte, palaban din ang Magkaagaw lead actor na si Jeric Gonzales sa pagkanta.

Magaling siyang tumugtog ng gitara at mala-anghel din ang boses. Ngayong Marso, ilalabas na ng Kapuso hunk ang kanyang single under GMA Music na pinamagatang Line To Heaven.

Marami nang fans ang nakaabang sa exclusive airing nito sa Barangay LS simula Marso 3 hanggang Marso 9!

Samantala, patuloy na napapanood si Jeric bilang ang pinag-aagawang si Jio mas umiinit na GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw na tuloy-tuloy ang paghataw sa TV ratings mula Lunes hanggang Biyernes.

Read more...