Janella: Friends kami ni Joshua at ayaw naming basta masira yun

NAKIUSAP si Janella Salvador sa mga fans nila ni Joshua Garcia na tigilan na ang pakikipag-away sa bashers kasabay ng pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa tambalang JoshNella.

“Natutuwa ako sa support ng lahat and hindi ko talaga siya in-expect na after Killer Bride ganito ang supota ng mga tao sa amin. Kaya very thankful kaming dalawa ni Joshua sa lahat ng mga nanood, sa lahat ng talagang nagapapa trend, nagti-tweet, lahat natutuwa kami sa kanilang lahat,” pahayag ng dalaga sa isang interview.

Tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Joshua, “Friends kami ni Joshua e, we’re really, really good friends and both of us, we don’t want to spoil that. Kasi sa totoo lang naman, friendship is forever so ayun.”

At sa lahat ng kanilang haters, “Sana mas mag-focus lang tayo sa love, sa suporta na ‘yung mga nega, wag na papansinin, mga ganu’n, sana masaya lahat.”

“Okay lang naman kiligin eh, dahil sa kilig niyo, meron kaming supporters and I’m very thankful for that, pero ayun sana lang, lahat tayo maging respectful sa isa’t isa wala tayong dina-down na ibang tao, kasi siyempre, lahat tayo may personal life. As much as I’m thankful, sana lagi tayong masaya na lang,” hiling ni Janella sa fans.

Read more...