HINDI nagsisisi si Rocco Nacino na mas pinili niya ang Descendants of The Sun kesa sa isang teleserye kung saan siya sana ang lead star.
Second lead ang Kapuso actor at si Jasmine Curtis sa Pinoy version ng hit Korean series na DOTS na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
Naniniwala siya na isang malaking achievement na para sa kanya ang makasama ang Primetime King na si Dingdong at Ultimate Star na si Jen sa isang proyekto, dagdag pa ang pagiging trending gabi-gabi at magandang rating ng DOTS.
In-expect ba nila ni Jasmine na magiging mainit ang pagtanggap ng manonood sa serye lalo na sa tambalan nila bilang sina Diego at Moira?
“Na-surpass iyong expectation ko. Kasi, wala kaming monitor para ma-review ang isang eksena. After ng isang eksena, hindi siya dire-diretso.
“Kumbaga, nakakatuwa lang na itong formula na ginagamit ngayon, wala kaming time para ma-review iyong ginawa namin. Konting salita lang, papalit na ng anggulo, palit na ng ilaw, palit na ng lente.
“It’s accumulation of shots in just one scene. So, hindi na namin napapansin kung ire-retake ko pa ba. So, we have to maintain that flow of emotion.
“Noong nabubuo na siya, seven months na rin, ngayon pa lang namin napapanood. Nagugulat kami na, ‘Ah, kaya pala ang tagal gawin ng eksena. Ang ganda kasi, e. At nakakagulat lang na ang dami palang nakaka-relate sa ganitong kuwento,” pahayag ni Rocco nang makachikahan namin kamakailan.
Sa kuwento ng DOTS, masalimuot ngunit nakakakilig ang love story nila ni Jasmine. Kontra kasi ang tatay ni Moira kay Diego pero talagang ipinaglalaban nila ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.
In real life ba naranasan na ni Rocco ang nangyayari kay Diego? “We all have our own story to tell, that’s why hindi lang iyong mga nanonood ang makaka-relate, pati kami. Kaya minsan, natatawa na lang kami.”
Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng DOTS, mas maaaksyon pang eksena ang magaganap ngayong linggo dahil muling mapapalaban ang grupo nina Lucas (Dingdong).at Diego sa mga rebelde habang nasa panganib ang buhay ni Maxine (Jennylyn).
Napapanood ang DOTS PH sa GMA Telebabad after 24 Oras. This week nga pala, abangan ang isa na namang iconic scene na nagmarka sa mga fans ng original DOTS.