NAGDEKLARA ng walang pasok si Marikina City Mayor Marcy Teodoro mula Lunes (Marso 9) hanggang Miyerkules (Marso11) dahil sa banta ng coronavirus 2019 (COVID-19).
“Walang pasok sa lahat ng antas (in all levels) sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Marikina City simula bukas Lunes (Marso 9) hanggang Miyerkules (Marso 11) upang bigyang daan ang malawakang pagdidisinfect ng lahat ng paaralan. Ito ay gagawin bilang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga mag-aaral at maiwasan ang posibleng paglaganap ng Corona Virus o Covid-19,” sabi ni Teodoro sa isang post.
Nanawagan din si Teodoro sa mga residente ng lungsod na .kung maaari ay manatili sa loob ng kani-kanilang tahanan at iwasan ang di kinakailangang pagpunta sa mga pampublikong lugar at sa maramihang pagtitipon.
“Please observe proper hygiene/ handwashing / cough etiquette at all times,” dagdag ni Teodoro.