San Juan City nagsuspinde ng klase bukas dahil sa COVID-19

 

SINUSPINDE ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang klase sa lahat ng antas bukas matapos naman ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod.

“Classes in all levels in both public and private schools in the City of San Juan are hereby suspended to give time to all school officials to sanitize and disinfect their campuses and to put precautionary measures in place to prevent the spread of coronavirus (COVID-19),” ayon sa tweet ng San Juan City.

Nauna nang kinumpirma ng Department of Health (DOH) na madalas na dumadalo sa prayer meeting sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City ang ika-limang kaso ng COVID-19.

Ipinasara na ni Zamora ang sinasabing prayer room.

Nauna nang nagsuspinde si Navotas City Mayor Toby Tiangco ng klase sa lungsod dahil sa COVID-19.

Read more...