Binay binatikos ang biyahe ng PCOO sa Europe imbes na tutukan ang COVID-19

BINATIKOS ni Senator Nancy Binay ang ginawang biyahe sa Europa kamakailan ng mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa pamumuno ni Secretary Martin Andanar imbes na tutukan ang kampanya kontra coronavirus 2019 (COVID-19).

“I hope PCOO gets its priorities straight. Yung isang oras na video documentary on drug war eh baka pwede rin gumawa ng kahit 2-minuter na infomercials in different dialects. It makes public health officials’ jobs harder kapag may mga taong na ‘di naman bihasa sa public health ang nagsasalita para sa DOH, and making it difficult for people to know who to trust,” sabi ni Binay sa isang pahayag.

Ito’y matapos naman ang ‘Europe roadshow’ ng  PCOO kung saan bumiyahe ang mga opisyal sa iba’t ibang bansa Europa.

“Kailangan mag-step up ang ibang agencies at PCOO in elevating the ante in risk communication. Wag na muna nilang ubusin ang oras nila sa kung anong roadshow sa Europe dahil dapat Pilipinas muna ang bigyan natin ng focus para labanan ang paglaganap ng Covid-19,” dagdag ni Binay.

Kabilang ang mga bansa sa Europa na matinding tinamaan din ng COVID-19.

“We are at a crucial point where communication is vital in confronting a state of public health emergency,”

“This is why the Department of Health (DOH) needs all the help from legit government communication portals in providing factual, timely and honest information to a near-panicking public,” giit ni Binay.

Nagdeklara na ng red red sub-level 1 ang DOH matapos namang kumpirmahin na isang local transmission ang pang-limang kaso ng COVID-19, kung saan nahawaan ng 62-anyos na pasyente mula sa Tanay, Rizal ang kanyang 59-anyos na misis. 

Read more...