Greta pinuri ng mga ina, 50 na pero fresh pa rin

DOMINIQUE COJUANGCO AT GRETCHEN BARRETTO

Touched ang maraming netizens sa palitan ng message ng mag-inang Gretchen Barretto at Dominique Cojuangco sa social media.

Nag-post ng throwback photo si Dominique sa Instagram kasama ang kanyang mommy bilang pagbati sa 50th birthday ng aktres. Makikita sa litrato ang bonding moment ng mag-ina ilang taon na ang nakararaan.

Sabi ng dalaga, nagpapasalamat siya na si Greta ang naging nanay niya, “Couldn’t have been raised by a better mother. Happy 50th Birthday to my Greta the Great ”

Sinagot naman ito ni Gretchen ng, “I couldn’t have a Better daughter. My heart is overflowing with love & gratitude to you, my baby love & our dada.”

Pinusuan ng maraming netizens ang IG post ni Dominique at binati rin si Greta. May mga nanay na nagkomento na sana’y pagsapit nila ng 50 ay katulad din sila ni Gretchen na mukha pa ring bata at fresh na fresh.

Read more...