Matteo may hugot kay Sarah, patama kay Mommy Divine

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

Maikli pero kumakagat ang hugot message na ipinost ni Matteo Guidicelli sa kanyang social media account.

Actually, ang nasabing “huquote” ng mister ni Sarah Geronimo ay nagmula kay Hollywood actress-director na si Angelina Jolie.

“If you don’t get out of the box you’ve been raised in, you won’t understand how much bigger the world is,” ang nakalagay sa artcard.

Kanya-kanyang komento ang mga followers ni Matteo at nagkakaisa ang marami sa pagsasabing siguradong may taong pinatutungkulan dito ang aktor.

Ayon sa mga netizens, ramdam nila na para sa kanyang asawang si Sarah ang mensahe na nabuhay nang matagal sa paghihigpit ng istriktong nanay na si Mommy Divine.

May nagpayo naman kay Matteo na sana’y tigilan na muna nito ang pagpo-post ng mga hugot sa socmed para maiwasan ang pangnenega sa kanila. Tumahimik na lang daw muna ang aktor bilang respeto sa magulang ng kanyang asawa.

Read more...