Sabi nila kapag nagdyo-joke, half-meant kaya ang pagbibiro ni Joross Gamboa na malapit nang ikasal sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay naging pasabog na issue sa presscon ng bagong iWant digital series na “Fluid.”
Pagkasabi niya nito, bigla agad niyang binawi pero hindi na ito mawawala sa isipan ng lahat ng reporter at bloggers sa mediacon ng nasabing serye.
Pero totoo rin naman, marami na ang umaasa na ang KathNiel na ang magkakatuluyan dahil ilang taon na rin silang magkarelasyon pero hindi pa alam kung kailan ang kanilang Big Day hanggang sa nadulas nga si Joross.
Kilalang malapit si Joross kina Daniel at Kathryn dahil lagi siyang kasama sa mga pelikulang ginawa ng magka-loveteam na idinirek ni Cathy Garcia Molina. Siya ang itinuturing ng direktor na lucky charm sa kanyang mga pelikula
At dahil sa naging pahayag ni Joross, tiyak na kapag nakita ang KathNiel ay kukulitin sila ng tanong mula sa press kung kailan sila lalagay sa tahimik para bumuo na rin ng sarili nilang pamilya.
Pero kung kami ang tatanungin, siguradong hindi ngayon taon o next year magaganap ang kasal dahil may mga project pa silang gagawin. Kaya posible kayang sa taong 2022 na mangyayari ang engrandeng KathNiel wedding?
Samantala, makakatambal naman ni Joross sa iWant digital series na “Fluid” si Roxanne Barcelo kasama si Binibining Pilipinas Tourism 2015 Ann Colis, sa direksyon ni Benedict Mique. Simula na ito sa March 13.
Ipinrodyus ito ng Lonewolf Films at isinulat nina Carlo Baltazar Ventura, Benedict Mique at Benjie Mique. Kasama rin sa cast sina Janice de Belen, Al Tantay, Zar Donato, J-Mee Kantayag at Emmanuelle Vera.