INIHAYAG ng Navotas City ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) matapos namang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng deadly virus.
Sa isang tweet, sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na sakop ng walang pasok ang kindergarten hanggang kolehiyo.
“#Walangpasok sa Lunes March 9,2020 sa lahat ng antas magmula kindergarten hangang college, sa lahat ng paaralan sa #Navotas both public and private,” sabi ni Tiangco.
“At ako ay nakikiusap sa #deped na automatic passing para sa lahat ng estudyante for this school year dahil sa #COVIDー19,” dagdag ni Tiangco.
Inihayag ng DOH ang ika-anim na kaso ng COVID-19 kung saan nahawa ang misis ng ika-limang pasyente.
Nagpalabas na ng code red, sub-level 1 dahil sa banta ng coronavirus.