NAGTAAS ng code red, sub-level 1 ang Department of Health (DOH) dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Sa isang pahayag, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na ang panglimang kaso ng COVID-9 ay ang unang kaso rin ng local transmission.
Kasabay nito, sinabi ni Duque na irerekomenda niya kay Pangulong Duterte ang deklarasyon ng state of public health emergency
“With Code Red, the DOH has recommended to the Office of the President for the declaration of a State of Public Health Emergency which will facilitate mobilization of resources, ease processes, including procurement of critical logistics and supplies, and intensifying reporting,” sabi ni Duque said.
Kasabay nito, kinumpirma ni Duque ang ika-anim na kaso ng COVID-19 matapos namang mag-positibo ang misis ng ika-limang pasyente.
Sinabi ni Duque na ipinasok ang 59-anyos na babae sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) noong Marso 5.