Coco pwedeng karirin ang pagdidirek o sumosyo sa negosyo ni Luis kung…

ANG kaso ng ABS-CBN seeking to have its franchise renewed is far from over kahit tapos na ang pagdinig sa Senado nitong Feb. 24.

Tinanggap na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ng istasyon, bagama’t ipinauubaya niya sa Kongreso ang desisyon.

Samantala, maaari pa ring mag-operate ang Kapamilya network hanggang May 4 even if its franchise expires on March 30. Basta pala may pending application for renewal ay wala itong iniwan sa mga produktong may “grace period.”

Kung kami ang tatanungin, kahit pa matuloy ang pinangangambahang shutdown ng istasyon (huwag sanang ipahintulot), life goes on para sa mga kawani nito, kabilang ang maraming mga artista.

Noon pa man ay naringgan na namin si (Kuya) Boy Abunda as having said: “I wanna teach.”

Hindi na bago sa pandinig let alone kataka-taka kung ang pagtuturo man ang pinaplanong career direction ng Asia’s King of Talk.

Minsan nang naging faculty member (albeit part-time) si Kuya Boy ng Philippine Women’s Unversity who taught radio and TV subjects sa mga mag-aaral ng communication arts. Sa PWU rin kinuha ni Kuya Boy ang kanyang master’s degree at PhD in social development.

Ang kanyang butihing ina na si Nanay Lesing ay isang public school teacher in their native Borongan, Eastern Samar.

Bukod sa pagtuturo, he can also (well, if he wants to) work as PR consultant for GMA again, or host a new show yaman din lang that he traces his roots to the Kapuso network via Show & Tell.

Samantala, ang isa sa mga most prized possessions ng ABS-CBN na si Coco Martin can make use of his directorial skills sa mga pelikulang aksiyon na posibleng ialok sa kanya. Already on the drawing table ay ang mala-“Expendables” film na gustong ipagkatiwala ng magpoprodyus ng local version nitong si Sen. Manny Pacquiao.

Sa rami rin ng mga naipon ni Coco, he can set up a recruitment agency which deploys utility personnel abroad, tutal naman ay dati siyang OFW who worked as a janitor in Alberta, Canada.

At kung kakayanin pa, Coco can invest in a business partnership with a fellow Kapamiya star na si Luis Manzano, at ano’ng negosyo naman?

Both Coco and Luis are HRM graduates (si Coco mula sa PSBA, si Luis mula sa DLSU College of Saint Benilde). Ano na lang ba ‘yung magbakas sila in putting up either a hotel or a restaurant?

If ever, dagdag income din ‘yon kay Luis na may mga kasosyong kaibigan sa taxi business. Also, balak din naman palang pumalaot ni Luis sa food business tulad ng kanyang Tita Emilyn (elder sis of his mom Vilma Santos).

In other words, maraming larangan ang maaaring pasukin ng mga Kapamilya stars, na kahit paano’y magtatawid sa kanila in these challenging times.

Read more...