MARAMI ang nakapansin na malaki ang pagkakahawig ng world champ and recording artist na si Ianna dela Torre.
Sa nakaraang presscon para sa kanyang self titled debut album, hiyang-hiya ang dalaga nang pansinin ng ilang members ng media na may resemblance ang kanyang itsura kay Kathryn lalo na noong super bagets pa ito.
Ani Ianna, may mga nagsasabi nga sa kanya na may anggulo siyang parang si Kathryn at sa tuwing maririnig niya ito ay kinikilig siya dahil isa ang Box-office Queen sa mga iniidolo niya, kasama na riyan ang boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Wala pang nagiging boyfriend si Ianna pero aniya, super crush daw niya si Daniel, “Napakagwapo niya po kasi, tapos ang galing pang kumanta at umarte. He’s a good example sa mga kabataan,” kinikilig na chika ng Kapamilya singer. Nakita na niya sa personal si Daniel at na-starstruck daw siya sa binata.
Samantala, tuwang-tuwa naman si Ianna na sa wakas ay nai-release na ang kanyang debut album under Star Music. Naging maingay ang pangalan ng dalaga nang sumali sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) noong 2013 at nanalo bilang Junior Grand Champion performer at Champion Vocalist of the World.
”Masayang-masaya po ako kasi finally, nilabas na itong album ko. Almost two years po naming ginawa ito. And ang tagal ko rin pong naghintay. Finally, ito na po ‘yung right timing,” ani Ianna.
Ang “IANNA” ay ipinrodyus ni Joel Mendoza sa pakikipagtulungan sa ilan sa mga pinakamahuhusay na composer at producer sa industriya. Masusi ring pinili ang mga kantang napabilang sa album para maikuwento ang istorya ng isang dalaga na naging isa nang ganap na babae.
Bida sa album ang pinakabagong single niyang “Wala Kang Kapalit,” isang modern classic ballad tungkol sa walang hanggang pag-ibig at ang pagsisisi dahil sa pagtatapos nito.
“Ang Wala Kang Kapalit, ang kuwento po nito ay tungkol sa dalawang taong nagmamahalan. And ‘yung isa, hindi pa siya ready na mag-commit. Ngayon, nakipag-break siya. Du’n niya nalaman na mahal niya pa rin. Kaya ‘yun pong sa song, pagsisisi niya. Parang kahit wala ka na sa aking piling, wala kang kapalit,” paliwanag ni Ianna.
Mapapakinggan din sa album ang carrier single na “Pinapa,” pati na ang iba pang original songs tulad ng “Always You,” “Love is Spelled Y-O-U”, “Kahit sa Panaginip Lang,” “Alam Kong Nandyan Ka,” at “Ang Sabi Mo.” Kasama rin sa album ang version ni Ianna ng komposisyon ni Maestro Ryan Cayabyab, ang “Kailan”, “Together Forever” ni Rico Puno, at cover ng “Through The Fire” ni David Foster.
Isa lang si Ianna sa mga mang-aawit ng ABS-CBN Music na tahanan ng ilan sa mga pinakamagagandang OPM music mula sa nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN.
Pakinggan ang debut album ni Ianna sa iba’t ibang digital streaming platforms, at panoorin ang music video ng Wala Kang Kapalit tampok sina Karina Bautista at Aljon Mendoza, PBB alumni sa YouTube channel ng Star Music.