Vin mas palaban ang 'bukol' kesa kay Aljur: Walang takot maghubad | Bandera

Vin mas palaban ang ‘bukol’ kesa kay Aljur: Walang takot maghubad

Julie Bonifacio - March 07, 2020 - 12:51 AM

OVERWHELMED ang isa pang Kapamilya star na si Vin Abrenica when he signed his contract bilang bagong endorser ng underwear brand na Handford recently.

Dalawang taon ang pinirmahang kontrata ni Vin. After ng pirmahan, hinahanda na ng aktor ang kanyang sarili para sa pictorial na ilalagay sa malalaking billboards sa Metro Manila.

“Ako, excited ako sa pictorial, saka sa billboard,” umpisa ni Vin.

First time kasi niyang magkakaroon ng billboard na solo lang siya, “Nagkaroon ako dati, para sa isang brand ng damit. Kasi, ang utol (Aljur Abrenica) ko ang endorser. Tapos nagkaroon sila ng campaign na kasama ang brotherly love.
“Nakatagilid pa ako. So, akala nila si Borgy Manotoc ‘yun. Long hair pa kasi ako noon. Borgy??!! Pero wala lang ‘yun (billboard). Solo, ngayon pa lang,” lahad pa niya.

Pramis ni Vin magsusuot siya ng boxer shorts sa pictorial. Isang gay showbiz writer ang nagtanong sa kanya kung ikatutuwa ba ng mga beki ang pagsusuot niya ng boxer shorts sa billboard.

“Tingin ko naman. Hindi pa ako nagbi-briefs, ‘di ba? Sa mga pictorial, hindi pa. Pants lang ako lagi,” ngiti ni Vin.Biro namin kay Vin, huwag muna siyang magpakasal ng long-time girlfriend niyang si Sophie Albert para ‘di agad siya mapalitan as endorser ng Handford after two years.

Feeling kasi ng members ng media na naimbitahan sa contract signing niya, e, nag-asawa na kasi ang dating endorser ng kilalang underwear na si Mikael Daez kaya siya pinalitan ni Vin.

“Mikael is a good person. Hanga ako sa kanya kasi, ang favorite part of my body, is panga. So, siya, mapanga rin. So, nakikita ko na meron kaming koneksyon.
“So, ako, he’s always been the face of Hanford. I’m very thankful sa kanya kasi kailangan kong mag-set ng standard, kailangan kong tapatan ‘yun,” he told us.

E, ano naman ang ginagawa niya para tapatan o higitan pa ang ginawa ni Mikael for Hanford? “Alam n’yo na? Nagbubuhat. Ha-hahaha!”

Tanong ulit kay Vin kung sa tingin ba niya mas sexy siya kay Mikael? “Ay, naku. Pwede bang tanungin na lang natin ‘yung mga dyowa namin. Tanungin n’yo na lang si Megan (Young, misis ni Mikael) kung sino ang mas sexy sa amin,” natatawang sagot ni Vin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May kapilyahan naman na tinanong ng gay showbiz writer kung sino sa kanila ng utol niyang si Aljur ang mas “gifted.”

Natawa na lang nang natawa si Vin at tumango bilang sagot sa naughty question sa kanya. Sa pamamagitan ng misteryosong ngiti na iyon ni Vin ay alam na raw ng mga beki ang sagot.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending