I Can See Your Voice ni Luis pampaalis stress ng Pinoy | Bandera

I Can See Your Voice ni Luis pampaalis stress ng Pinoy

Ervin Santiago - March 07, 2020 - 12:07 AM

PATULOY pa ring humahataw sa ratings game ang nag-iisang mystery music game sa bansa, ang I Can See Your Voice na nagsimula sa Korea.

Patuloy kasing naghahatid ng katatawanan at good vibes ang ICSYV hosted by Luis Manzano. Napatunayan ng produksyon na may dalawang bagay na gustung-gustong ginagawa ng mga Pinoy, lalo na kapag nagsasama-sama na ang pamilya at barkada tuwing weekend.

Yan ay ang kumanta at magtawanan, na parehong mae-experience sa I Can See Your Voice ng ABS-CBN. Bukod nga sa excitement ng pakikihula ng viewers sa mga celebrity guest kung sinu-sino ang mga Seen-tunado at See-nger sa mga contestants, tatawa ka pa nang tatawa sa mga okrayan at laglagan ng mga Sing-vestigators.

In fairness, talagang every week ay inaabangan ng mga Kapamilya ang mga pasabog ng Sing-vestigators na kinabibilangan nina Angeline Quinto, Andrew E, Wacky Kiray, Kean Cipriano, Kalad

Karen, Bayani Agbayani at Jobert Austria. Idagdag pa ang pakikipagkulitan sa kanila ni Luis na palagi ring may baong nakakalokang punchlines.

Last Saturday, talagang inabangan ng viewers ang cast ng A Soldier’s Heart, kabilang na ang mga beking nagpapantasya kina Gerald Anderson, Vin Abrenica, Nash Aguas, Elmo Magalona at Yves Flores. Kitang-kita naman na super enjoy ang limang Kapamilya stars sa guesting nila sa show.

Pero sa ending, nganga ang limang sundalo ng A Soldier’s Heart dahil isang Seen-tunado ang huling contestant na napili nila, si Jen Vega na siyang nanalo ng P25,000. Abangan ang isa na namang pampaalis kanegahan at stress episode ng ICSYV ngayong gabi after Maalaala Mo Kaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending