KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19), kabilang ang isa na walang kasaysayan ng pagbiyahe sa labas ng bansa.
Sa isang press conference, sinabi nj Health Secretary Francisco Duque III na kabilang sa dalawang bagong kaso ng COVID-19 ang isang 48-anyos na Pinoy na nagpositibo sa virus. Nanggaling ang pasyente sa Japan, ayon kay Duque.
Idinagdag ni Duque na ang ikalawang kaso ay 62-anyos na Pinoy na may hypertension at diabetes mellitus
Sinabi ni Duque na regular na pumupunta ang pangalawang pasyente sa isang Muslim prayer hall sa Barangay Greenhills sa San Juan City.
“He experienced cough on Feb 25 which led him to consult a hospital in National Capital Region on March 1,” sabi ng DOH.
Nagpositibo ang pasyente sa deadly virus isang araw matapos kuhaan ng specimen noon Marso 4.
“The patient has no known history of travel outside of the country,” sabi pa ni Duque.
Kapwa ginagamot ang dalawang Pinoy sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.