“FEELING ko hindi naman ako martir na babae!” Yan ang paniniwala ni Lovi Poe sa kanyang sarili pagdating sa usaping pag-ibig.
Ayon sa Kapuso actress, ibang klase rin siyang magmahal, pero hindi pa siya umaabot sa punto na kinakalimutan ang sarili at nagpapakabaliw nang dahil lang sa lalaki.
Sa latest movie niyang “Hindi Tayo Pwede” kasama sina Marco Gumabao at Tony Labrusca na showing na ngayon sa mga sinehan nationwide, tinalakay ang dalawang uri ng pagmamahal. Kaya natanong si Lovi kung nagpakamartir na ba siya sa lalaki?
“I don’t think na martir po ako. Feeling ko, hindi ako ganu’n. I think it’s hard to fight for something you think na (hindi na dapat ipaglaban).
“But as long as that person is fighting for you too then that’s probably one reason to fight for a relationship. But if it’s only you, wala na,” pahayag ng dalaga na very happy ngayon sa kanyang foreigner boyfriend.
Samantala, usap-usapan ngayon ang napakainit na mga eksena ni Lovi with Marco and Tony sa “Hindi Tayo Puwede” under Viva Films sa direksyon ni Joel Lamangan.
In fairness, walang reklamo si Lovi sa mga ipinagawa sa kanya ni Direk Joel sa movie, lalo na sa mga sex scene niya with his two leading man.
“First time naming magkatrabaho sa movie and they just made it easier for me kasi maalaga sila at hindi mahirap katrabaho. Very gentleman din sila sa love scenes namin.
“Si Direk kasi may mga surprise siya sa set at nakaka-stress kung minsan. First, may mga choreography and everything ang love scene, and then there comes this move na nagulat ako. Pero si Marco, inalalayan talaga niya ako,” kuwento pa ng Kapuso star.
Dagdag pa niya, “Kasi si Direk talaga kailangan realistic yung eksena and when it comes to acting if you’re going to hold back, di ba, parang if you’re willing to give your heart and soul sa isang eksena sa isang pelikula, why not?
“Kasi kung nagho-hold back ka, magho-hold back din yung partner mo. So parang we don’t want that kind of feeling and we want it to be realistic as much as possible,” pahayag pa ng dalaga.
Sa nakaraang presscon ng pelikula, natanong si Lovi kung paano niya ide-describe ang love scenes nila ni Tony at ni Marco? “It’s so hard. You can’t love two people the same way twice. Makikita mo na iba yung level ng pagmamahal ko with Tony and Marco that’s why iba yung take ng love scene namin ni Marco, iba rin yung kay Tony.
“Kung sa music, yung love scene namin ni Tony was very slow and romantic kasi nga we know that we were in love. Tapos yung sa amin ni Marco, siguro mas upbeat, kasi nga hindi namin ini-expect na ganito pala yung nararamdaman namin sa isa’t isa,” lahad pa ni Lovi.