Sey mo Chito Miranda: Piolo Pascual niyayang mag-date si Neri Naig!

HINAYANG na hinayang ang actress-businesswoman na si Neri Naig dahil napurnada ang “date” nila ni Piolo Pascual.
Ikinuwento ng misis ni Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar sa pamamagitan ng Instagram ang pagyaya sa kanya ni Papa P bilang ka-date nito sa isang bonggang event ng ABS-CBN.
Narito ang kabuuan ng “epic fail” date story nina Neri at Piolo.

“7:20pm nagtext ang handler niya na sunduin daw ako sa bahay at gusto daw akong ka-date ni Piolo sa event ng ABS CBN. Nakapajama na ako at nanonood ng Netflix at 8pm daw ang event. Wear white daw sabi ni Piolo. Nataranta ako!” simulang kuwento ng aktres.

“Tinawagan ko si Kuya [Jerry Telan, Star Magic road manager] para sabihin ba’t wala akong oras to prepare. Pinagalitan nya handler ni Piolo kase ura urada. Pero wala daw siyang magagawa at papunta na daw sila ni Piolo.

“Nagsuot ako ng white dress. Wala akong makeup!!!! Kahit kilay wala! Gaaaaaa! Inis na inis ako at walang preparations man lang. Nung nagpunta na kami sa ABS CBN, ahhhhhh! Lahat sila mega ayos! Kaloka! And Ms Mariole told me na kahit maglagay man lang daw ako ng kilay, haha!

“I called Riri para makeupan ako. Jusko. 8:30pm wala ka pa at napupuno na ng mga altang tao, haha! Lasing na lasing na ibang artista. Ang problema ko wala akong kaayos ayos.

“Tapos nahihiya akong tumingin kay Piolo pero pag napapasilip ako sa kanya, ang ganda ng ngiti! Nakatitig siya sa akin tapos ang dreamy ng smile niya! Syet! Kakatunaw!” pagpapatuloy pa niya.

“Dumating na makeup artist ko. Nagpabonggang makeup ako kase sabi ni Piolo, gusto niya maging queen of the night daw ako. Nagpalit ako ng magandang white gown. Ire-reveal ko na kay Piolo yung transformation ko.

“Pero nakakaramdam na ako ng pagmamadali sa paligid ko. Ang bibilis nang magsalita ng mga tao sa paligid ko habang hinahanap ko si Piolo. Bumibilis heart beat ko tapos parang bumabagal na yung kilos ko. Parang… parang… ay! nagising na ako! Huwaaaaaaaaat???! Hindi man lang kami nagkita ni Piolo?

“Ang bagal mo kase riri eh! Di ka agad dumating sa ABS! Kase naman Kuya Jerry, wala man lang time makapag ayos! Sinisisi ko kayong dalawa! Haha! At yung handler ni Piolo! So ayun. Sawi panaginip ko. Sayang ang makeup at white gown ko na di nakita ni Papa P.,” chika pa ng misis ni Chito.

Sa huling bahagi ng kanyang post, sinabi ni Neri na hindi pa siya kasal kay Chito sa kanyang panaginip, “Sa mga oras ng panaginip ko, wala akong asawa nun.

“Pero ang kilig ko parang yung first time kong napanood ang ‘To All The Boys I’ve Loved Before’. Di ko crush si Papa P sa totong buhay pero grabe sa kilig yung panaginip ko. Haaaaaaaay.

“Sa lahat nang magsasabi na matulog ako ulit at baka may continuation, di na ako makakatulog dahil bumabangon ako ng 4:30 am. Haha!” pagtatapos ng aktres.

Maraming kinilig at nanghinayang na netizens sa panaginip ni Neri, may iba pa nga na nag-wish na sana’y i-date rin sila ni Papa P kahit sa panaginip lang.

Read more...