Duterte, Erap, GMA sama-sama sa Richard-Sarah wedding; abay sina Aga, Robin, Vice, Angel


BONGGA ang wedding nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, huh! Star-studded ang kanilang kasal na magaganap sa March 14, sa isang hotel sa Bonifacio Global City, Taguig.

Nagpadala na ng wedding invitations ang future husband and wife at dito nga nalaman na napakaraming celebrities at kilalang personalities ang magiging bahagi ng entourage, kabilang na nga riyan ang tatayong mga principal sponsors tulad ng tatlong Philippine presidents: sina Pangulong Rodrigo Duterte at former Presidents Gloria Macapagal-Arroyo at Joseph Estrada.

Kabila din sa mga ninong sina ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak at GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon.

Sa mga secondary sponsors naman, nandiyan sina Aga at Charlene Muhlach (Candle), Robin at Mariel Padilla (Veil), Vice Ganda at Angel Locsin (Cord).

Read more...