IBANG klase talaga ang katapangan ni Lovi Poe pagdating sa pakikipag-sex sa pelikula! Wala siyang keber sa paghuhubad dahil talaga namang nagmumura ang kanyang kaseksihan.
Sa latest movie ng Viva Films na “Hindi Tayo Pwede” na pinagbibidahan ni Lovi kasama sina Marco Gumabao at Tony Labrusca, tama lang na tawagin itong “sexiest love triangle in Philippine cinema” na mas magpapainit pa ngayong summer. Ito’y sa panulat ng iconic storyteller na si Ricky Lee at mula sa award-winning director na si Joel Lamangan.
Simula pa lang ng pelikula ay ibinandera na ni Lovi ang kanyang katawan bilang si Gab habang nakikipaglandian kay Tony na gumaganap naman bilang si Gabby. Ikakasal na sila ngunit naaksidente si Gabby na naging sanhi ng depresyon ng kanyang future wife. Ang kanyang best friend na si Dennis (Marco) ang naging karamay ni Gab sa kanyang pagluluksa.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga tao sa kanyang paligid, muling bumalik si Gabby sa piling ni Gab – nakikita, nakakausap at nakaka-sex niya ito kahit kaluluwa na lang. Naging maligaya muli ang dalaga pero nagsimulang magkaproblema nang magselos nang bonggang-bongga ang multo kay Dennis nang malamang matagal na itong may gusto sa kanyang BFF.
Kapag binuksan ba ni Gab ang kanyang puso para kay Dennis, matahimik na kaya ang kaluluwa ni Gabby na hindi pa rin matanggap ang kanyang pagkamatay? O, baka mas lalo lang magulo ang kanyang buhay kapag binitiwan ang pagmamahal sa lalaking unang minahal? ‘Yan ang dapat n’yong malaman sa ending ng movie.
Siyempre, hindi na namin ikukuwento sa inyo kung paano magwawakas ang “sexiest love triangle in Philippine cinema” para ma-shock din kayo. Pero in fairness, ibang-iba ang kuwento ng “Hindi Tayo Pwede” sa mga sex-drama na napanood namin dahil sa “ghost” factor ng movie.
Bibigyan na lang namin kayo ng idea kung paano nagkaiba ang laplapan at love scene ni Lovi with Marco and Tony. Una, mas mapangahas at mas mapusok ang sex scene nina Lovi at Marco na walang takot na nagpakita uli ng pwet sa pelikula, as in close up na close up, huh! Grabe rin ang “tongue-to-tongue laplapan” nila kaya sigawan ang mga fans.
Pumayag din si Lovi na halikan ang nipples nina Marco at Tony habang hinahagod ng dalawang lalaki ang hubad niyang katawan. Kung na-shock kayo sa mga pinaggagawa ni Lovi sa pelikulang “The Annulment”, mas matindi ang ipinagawa sa kanya rito ni Direk Joel! Pero maganda naman ang execution nito.
Showing na ngayon sa mga sinehan ang “Hindi Tayo Pwede”. Nakadagdag naman sa ganda ng mga eksena ang kantang “Hindi Tayo Pwede” ng The Juans ang official theme song ng pelikula na may 45 million streams na sa iba’t bang digital platforms.