FAKE news ang kumalat na chika na nagkaayos na ang dating magkaibigan na sina Darren Espanto at JK Labajo.
Past is past na para kay Darren ang nangyaring iskandalo sa pagitan nila ni JK pero para sa kanya, mukhang imposible na ring bumalik ang kanilang friendship.
Sa grand media launch ng Beautederm para sa Kapamilya singer-actor bilang latest endorser ng kanilang men’s products, natanong ang binata tungkol sa cyber lible case na isinampa ng kanyang pamilya laban kay JK Labajo na nag-ugat sa pagpapalitan nila ng maaanghang na salita sa social media.
May chika kasi na pinag-aayos na raw sila para hindi na matuloy sa korte ang kaso. “Wala pa po akong puwedeng sabihin, e. Sorry po,” sagot ng award-winning. Wala rin siyang maibigay na update tungkol sa kaso at kung nasaang level na ito.
Sumunod na tanong kay Darren, posible bang magkaroon sila ng collaboration ni JK at okay lang ba sa kanya kung kakantahin niya ang hit song nitong “Buwan”? “Ako, tama na yun, huwag na lang.”
Diretso rin ang sagot ng binata sa tanong kung may posibilidad bang maging friends uli sila ni JK sa kabila ng mga nangyari? “We haven’t seen each other for years. So, I don’t know what he looks like. I mean, The Voice Kids, we were best friends.
“And then, a lot of people started telling me things that he started saying about me… like, after a few years na hindi kami nag-uusap. So, I don’t really know where that came from, and why he started doing it. At the moment, huwag na lang din. Parte na ng past ko po.”
Napatawad na ba niya si JK? “Ako po kasi, I’m very happy with everything what’s going on in my career. All those things na negative, I don’t like to dwell on it. Kasi ako po, I have my family, I have all the supporter friends, that I couldn’t ask for more po talaga. So, those things po talaga, it’s not something that I really think about. Hindi po talaga yung something to dwell on it,” lahad pa ni Darren.
Samantala, sa pagsisimula ng summer season, mainit na winelkam ng Beautéderm si Darren bilang pinakabago at pinakabatang brand ambassador sa pangunguna ng President at CEO ng kompanya na si Rhea Anicoche-Tan
Nilikha at dinevelop ang Beautéderm ni Rhea gamit ang kanyang prinsipyo na nagsisimula ang kagandahan sa pamamagitan ng pag-aalaga sa sarili nang sa ganu’n ay magiging mas malusog ang isang tao at magpamalas ng kagandahan hindi lamang sa panlabas ngunit pati na sa panloob.
Isang consistent Superbrands awardee, ipinagmamalaki nina Rhea ang kanilang 100 quality products, kasama na ang flagship brands gaya ng Skin Set; Purifie Facial Wash; Home line; at ang latest na Spruce & Dash men’s line at marami pang iba.
Sa edad na 18, napakarami nang achivements ni Darren kaya naman swak na swak siya sa vision and mission ng nasabing brand, “I am so honored now that I am finally part of the Beautéderm family. Very grateful po ako sa tiwala na ibinigay sa akin ni Mommy Rhea.”
“I am equally honored to welcome Darren to our family. Grabe ang fans niya, nagkakagulo talaga kapag nakikita na siya,” sabi naman ni Rhea. “Naniniwala ako, Darren will be very instrumental for the brand to reach a younger market. Isa si Darren sa mga biggest young stars natin ngayon pero he remains very humble and he is one of the most pleasant and nicest artists that we ever worked with.”
Para sa karagdagang impormasyon and exciting updates sa brand, kay Darren at sa iba pang brand ambassadors, sundan
ang @beautédermcorporation sa Instagram, Facebook at Instagram.
* * *
Nali-link ngayon si Darren Espanto sa anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi na si Cassy. Marami ang nagsasabi na mukhang may secret relationship na raw sila ng dalaga.
Kumusta nga ba ang lovelife ngayon ng binata? “Para sa akin, kung darating, darating iyon nang hindi pinipilit, and yung hindi mo ine-effort na hanapin. And I guess, that’s something na natutunan ko na rin po growing up.”
At tungkol naman sa kanila ng anak nina Zoren at Carmina, “Cassy Legaspi and I are very good friends.”