Claudine: Mas magaling na aktres si Julia Montes kesa kay Julia Barretto

AWARE naman siguro si Claudine Barretto na idol siya ng pamangking si Julia Barretto dahil sa husay niya bilang aktres?

Hindi namin makakalimutan ang sinabi ni Julia sa isang panayam na napakataas ng respeto niya sa kanyang tiyahin pagdating sa pag-arte. Totoo namang napakahusay na aktres ni Claudine at napatunayan na niya ‘yan sa kanyang mga teleserye at pelikula.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil natanong ng netizen kay Claudine kung sino ang mas magaling umarte sa dalawang Julia – si Julia Montes o Julia Barretto? Ang mabilis na sagot ni Claudine, “JULIA MONTES, OF COURSE.”

Wala rin namang kukuwestiyon sa husay ni Julia Montes pagdating sa pag-arte. Sa katunayan, kahit mahigit isang taon siyang nawala sa showbiz ay hindi nawala ang kanyang galing dahil patuloy niya itong pinatutunayan sa weekly series na 24/7 ng ABS-CBN.

Going back to Julia Barretto, parang hindi rin tama na ikumpara siya kay Julia Montes dahil bago palang naman siya sa larangan ng pag-arte. Pero sana’y mapanood ni Claudine ang digital series ng pamangkin na “I AM U” na napapanood sa iWant dahil napakagaling din ng dalaga sa
nasabing serye.

Sa mga hindi pa nakakaalam, matagal nang close sina Julia Montes at Claudine, mahaba-haba na rin ang kanilang pinagsamahan base na rin sa post ni Clau sa kanyang Intagram account nang batiin niya si Julia noong kaarawan nito last year.

“You are a person who has a heart of Gold. I pray that the world will know & can see the real you the way all of us know u. I will always always be your Ate & will always have your back. The Most important thing I luv about u is when we talk about our fans/friends the way u appreciate them & luv them even if u don’t know all of them is WONDERFUL & AMAZING.

Kaya naman as young as u r I look up to u. Your family, friends & all the people who’s lives you have touched luv u even more. I luv u my 2nd Julia #happybirthdayjuliamontes @montesjulia08,” bahagi ng post ni Claudine.

Read more...