Kilalang male celeb nakaipon, nakabili na ng mga property dahil sa pagko-callboy

KUWENTUHAN sa isang malaking umpukan ang isang kilalang male personality na matagal nang napapabalitang maraming ginagawang milagro sa buhay para sa kapakanan ng kanyang kabuhayan showcase.

Marami namang trabaho ang male personality kahit maiigsi lang ang papel na ginagampanan niya, pero dati nang mapangarap ang aktor na ito, dahil sa matindi niyang pinagdaanan sa buhay.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Magaling siyang pumaraan! Hindi maghihirap ang taong ‘yun! Lalong hindi siya magugutom dahil talagang marunong siya sa buhay!

“Kapag wala siyang projects, e, meron siyang ginagawang sideline na mas malaki pa nga ang kinikita niya kung tutuusin! HIndi pa niya kailangang magpuyat at sobrang magpagod, dahil konting tumbling lang, datung na agad!” umpisang chika ng impormante.

Mapili ang male personality sa kanyang raket, hindi siya pumapatol sa matatandang beki na kulay ube na ang mga kuko, kaedad lang niya ang nagtatagumpay para siya makasamang magpakaligaya.

Balik-chika ng aming source, “Hindi siya tulad ng iba diyan na para lang makaraket, e, hindi bale na kung mukhang lolo na nila ang becki.

“Mapili siya, ayaw niya sa matatanda, okey lang kung medyo may edad man sa kanya ang becki, pero hindi masyadong malaki ang age gap nila!

“Kaya naman kita n’yo, wala man siyang ginagawa, e, namumuhay siya nang bonggang-bongga! Nakapagpupundar siya ng mga properties, naipaayos pa niya ang bahay nila sa probinsiya, marunong talaga sa buhay ang male personality!

“Pero ang maganda lang sa lalaking ‘yun, e, mahusay siyang makisama sa mga katrabaho niya, walang nagsasabing mayabang at maepal siya, simple lang siya.

“At take note, ang kuwento ngayon, e, meron siyang karelasyong male personality na matagal nang kinu-question ang gender! Magkasama na sila sa isang condo unit at mukhang pareho naman silang maligaya sa sitwasyon nila ngayon.

“Yummy ang male personality na ito, makinis siya, guwapo at malinis sa katawan. Minsan nang na-link ang name niya sa isang female personality, pero kiyeme lang naman pala ang romansa nila!

“Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong hindi kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan!” pagtatapos ng aming impormante.

Read more...