Vlogger umalis na sa lovenest nila ni Joem: Para move on na

CRISHA UY AT JOEM BASCON

Iniwan na pala ng vlogger at ex-live in partner ni Joem Bascon na si Crisha Uy ang dati nilang lovenest.

Para sa kanya, that’s the best thing to do para tuluyan na siyang maka-move on sa sakit na naramdaman niya nu’ng hiwalayan siya ni Joem.

“You get rid of the things na nakakapagpaalala sa kanya, kasi it’s not helping, e,” pahayag ni Crisha sa kanyang vlog.

Lahat daw ng ibinigay ni Joem sa kanya ay iniwan niya roon, “Example, may damit ako na isinuot, ‘Ito yung first na damit na sinuot ko nu’ng nakilala siya.’ May mga ganu’n ako. Iniwan ko lahat yun. Lahat ng mga bagay na nakikita mo na naaalala mo lang siya, iiwan mo na yun,” ani Crisha.

Inaamin pa niya na nakatulong daw nang husto ang dasal, suporta ng pamilya at mga kaibigan niya, at pagluha para makaahon sa sakit at lungkot.

Kaya raw tanggap na tanggap na niya ngayon na wala na sila ni Joem, “When acceptance comes, huwag ka na umasa na bumalik siya. And kailangan mo tanggapin na wala na talaga.”

Knows naman ng marami na happy na ngayon si Joem sa piling ng dati rin niyang “ex”, si Meryll Soriano, though until now ay hindi pa rin sila umaamin sa kanilang relasyon.

Read more...