Sarah feel na feel ang bagong apelyido, pwede nang mag-open ng sariling bank account

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

KILIG na kilig ang mga kasamang celebrities ni Sarah Geronimo-Guidicelli sa ASAP Natin To habang binabati nila ang newlywed.

Kitang-kita ang kaligayahan nina Martin Nieverra, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Luis Manzano at ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Pero si Sarah, nakangiti lang habang nakikinig sa kanila at tipid-tipiran sumagot, napakalayo sa napaka-bubbly na Sarah G kapag nasa ASAP or sa The Voice Philippines.

Mukhang pinangatawanan na rin ni Sarah ang paggamit ng bago niyang apelyido at waley na ang “Geronimo” sa screen name niya.

Kunsabagay, Mrs. Sarah Guidicelli na talaga siya ngayon, legally kaya siguro sinasanay na niya ang sarili na tawagin siyang Sarah Guidicelli.

Plus, the fact that she can deal na ngayon nang siya lang sa mga personal matters with her new name lalo na pagdating sa kanyang finances. This time, makakapag-open na siya ng sarili niyang bank account, properties and investments.

Anyway, dahil sa sobrang kilig at excitement ng mga kasamahan ni Sarah sa kanyang pag-aasawa, muntik pang malagay sa hot spot sina Ogie at Regine.

Nag-volunteer kasi si Ogie na reregaluhan ng washing machine si Sarah. Sinuportahan naman siya ni Regine. Tapos tinanong ni Ogie si Regine kung ano naman ang ireregalo niya kina Sarah at Matteo.

“Ako, ‘yung panglaba, sabong panglaba. Alam ninyo na kung ano ‘yun,” sagot ni Regine. Hirit naman ni Ogie kay Regine, “Baka kapangalan pa yan ng ex mo, ha.”

Tawanan ang mga kasamahang hosts ng mag-asawa sa ASAP. Of course, ang tinutukoy ni Ogie na ex ni Regine ay si Ariel Rivera na kapangalan ng detergent powder na ini-endorse ng Asia’s Songbird.

Siyempre, joke lang ng mag-asawa yun and hopefully, hindi naman nila ito pag-awayan pag-uwi nila sa bahay.

Read more...